Thursday, April 30, 2009
Finally, I decided na to quit for awhile sa
Rakista. Sobrang exposed na ako, siguro enough na yun. Masyado na din akong maraming natutunan sa website na yun. Masyado na akong na-advance. Hindi na tama para sa edad ko, baka hindi ko na ma-enjoy ang buhay baka maging tamang hinala na ako sa lahat ng tao, baka wala na akong pagkatiwalaan, baka pati moralidad ko maapektuhan na. Masaya ako at naging parte ako ng website na yun. Nakasaksi ako ng maraming bagay which gave way para maging more sensitive ako sa mga bagay at maging open-minded. Ang dami kong na-witness, iba-ibang istorya ng iba't-ibang tao.
Tama. Aaminin ko. Hindi ako sumali sa website na yun dahil sa music. Hindi ako rockers, mainstream lang ako. Sumali ako dahil curious ako. I want to observe, rakista erpat ko baka hindi niyo alam, nacurious ako bakit hanggang ngayon nagpapakarockers pa si erpat. Nakita ko naman sa mga tao kung ano yung kinaadik ng erpat ko sa mga banda, ganun din sila. Iba talaga kapag musika ang bumubuhay sa dugo mo. Pero sa ngayon, ang rakista.com hindi na ganun yung talagang into music na mga tao, ang daming mistakes. Ayoko ng isa-isahin. Enough na.
Well, I succeed naman sa pag-oobserve ko. Nung una hindi ako nag-aattempt pumunta ng mga EB dahil najojologsan ako, pero napilit pa din ako. Na-enjoy ko company nila kaya naka-ilang ulit ako, at sa mga EB na yun, lalo akong madaming natutunan. Iba't-ibang klase ng tao. May weirdo, may broken-hearted, may inlove, may sapak, etc ...
Ang saya! Salamat sa mga naging ka-close ko kahit puro lalake lang talaga mga nakasundo ko. Nag-enjoy ako sobra. Pero everything has it's end. Ayoko ng i-spoiled sarili ko. Tama na muna, madaming bagay pa ang kailangan kong mas bigyan ng atensyon. Sabagay, tuwing summer lang naman ako napupunta sa RAKISTA. Hahaha! Ayun,sana sa next summer na lang ulit kapag hindi busy. Salamat sa lahat. (: Yung mga naging friends ko talaga, keep in touch pa din. Last punta ko na ng EB sa next jam. (:
Anyway, sa personal naman, wala ako masyadong masabi. Magiging busy nga ata ako dahil yung mga CMLI friends ko nagplaplano ng hang-outs namin dahil si Shea from Cebu magbabakasyon dito sa Manila. I suggested yung Ace Water Spa dahil relaxing talaga dun. Ayun. Last night naman galing akong inuman, inumaga na ako. Enjoy ako kahit puro lalake sila. Hahahaha!
Natagpuan ko nga pala yung lumang HISTORY PROJECT ko, na tinulungan pa ako ni Roldan sa paggawa. (:
floccinaucinihilipilification
a definition of all occurences from the start
with no ending that keeps on going connected not apart
it is bound by reality that makes it believable
treasuring it makes everything valuable
not measured by the amounts of gold or any currency
written success like the greek goddess nike
currently the root of all the victories
that is incripted on any soul's memories
made also by all kinds of misfortunes and mistakes
decisions that our founding fathers have high stakes
to avoid repeating same situations same results
we evaluate history and find way to consults
Wala lang. Just to reminisce the past. Thanks Roldan.
Miss ko na nga pala mga friends ko. Lalong lalo na si Saging Magno. :( Team A na siya yehey! Makikita ko na siya sa Araneta. Ayun. Siguro dito na muna. Mahaba na to. Hahahaha!
Aksol the Math Geek zZzZZzzzzZ at
12:06 AM

0 Comments:
Post a Comment
...Back